Pages

Thursday, February 21, 2013

Panahon ng KUWARESMA


                                                Panahon ng KUWARESMA

        Kailan lamang ay atin ng sinariwa ang ating pinanggalingan ang "ABO" nung nakalipas na "Ash Wednesday". Ito ay ang hudyat na nagsimula na ang panahon ng kuwaresma. Ito din ang nagpapaalala sa atin ng pagpapakasakit ni kristo upang tayo'y tubusin sa ating mga kasalanan.

       Ano nga ba ang tinatawag na Kuwaresma? Ito ay ang apatnapung araw na pag aayuno, pagbabalik-tanaw sa mga ginawa ni Kristo upang tayo ay matubos sa mga kasalanan,pagpapatawad,at mataimtim na pananalangin sa Panginoon. Ang pinakahuling Linggo ng Kuwaresma ay ang pasalubong sa muling pagkabuhay ni Kristo.

      Karaniwan sa ating mga Pilipino ay nagkakaisa tuwing panahon ng kuwaresma. Makikitang sabay-sabay na nagsisimba at nagpapabasbas ng kani-kaniyang mga palaspas sa araw na tinatawag na "Linggo de Ramos" na gumugunita na sa araw na ito ay ang padating ni Kristo sa Herusalem. Nadarama natin na ang Mahal na Araw ay nariyan na kapag sumapit na ang Lunes Santo,nagsisimula na ang mga aktibidades ng simbahan, medyo nagiging tahimik na ang mga lugar,lalong painit ng painit ang panahon at tuluyang tumatahimik pag Martes Santo, Miyerkules Santo. Pagdating ng Huwebes Santo ay idinaraos na ang "Huling Hapunan", dito rin ay isinasagawa at isinasabuhay ang paghuhugas ng paa ng labindalawang lalaki na napili bilang mga apostoles ni Hesus, na noo'y ginawa ni Hesus. Sa Huwebes Santo din nagaganap ang tinatawag na "Pabasa" sa iba't ibang lugar, na matatapos bago ang oras ng kamatayan ni Kristo. Pagsapit ng Biyernes Santo, isinasagawa ang ritwal na Pitong Wika o ang Siete Palabras. Nagsisikip ang mga simbahan tuwing Biyernes Santo dahil nais ng mga taong mkinig sa mga huling salitang iniatang ng Panginoong Hesukristo bago siya tuluyang pagkamatay dahil sa pagkakapako nya sa krus.Sa araw na ito marami din ang umiikot ng mga simbahan sa iba't ibang lugar upang makapagsagawa ng "Istatsyon ng Krus". Ang Sabado de Gloria naman ang nagsisilbing paghahanda para sa pagsalubong sa "Muling Pagkabuhay" ng Panginoong Hesuskristo sa araw ng Linggo.

     Sa pagsapit ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, nakadarama tayo ng panibagong buhay, bagong pag-asa, dahil sa pagkakalaam natin tayo'y kanyang muling tinubos sa ating mga kasalanan. Kaya't sa darating na Mahal na araw, tayo ay mag-ayuno,magdasal at magpatawad gaya ng ginawa ng Panginoong Hesukristo para sa atin.

8 comments:

  1. such very good detail. This is the best sites for proving such kinds of good information. YU PGET entrance exam

    ReplyDelete
  2. Thanks for such very great information. This is the best sites for proving such kinds of good information.Meghalaya 10th Board SSLC Examination Schedule 2017

    ReplyDelete
  3. Thanks for such very great information. This is the best sites for proving such kinds of good information.Meghalaya 10th Board SSLC Examination Schedule 2017

    ReplyDelete
  4. Such very good information. Thank you for your sites for proving such kinds of good information.
    Gujarat Postman Answer Key 2017

    ReplyDelete
  5. REALLY HELPFULL AND I MUST SAY YOUR WAY OF WRITING IS COOL

    I ALSO HAVE SOME COOL POSTS ON JIO 4G PHONE EXPLOSION IN KASHMIR, TRICKS TO INCREASE INSTAGRAAM FOLLOWERS AND quit smoking helps

    ReplyDelete
  6. Salamat sa Pagbabahagi. At ang artikulong ito ay nagbibigay ng liwanag kung saan maaari nating obserbahan ang katotohanan. Ito ay napakabuti at nagbibigay ng detalyadong impormasyon. Salamat sa magandang artikulo na ito

    Duda Review

    ReplyDelete
  7. Hello. excellent job. I did not expect this. This is a excellent story. Thanks!
    Visit Mahadev Book

    ReplyDelete